Tungkol sa amin

Team

Tulad mo, mahusay rin kami sa ginagawa namin.

Mahusay kami sa paggawa ng mga makapangyarihang tool para sa iyong matagumpay na negosyo.

Kilalanin ang Drey team, silipin ang aming mga opisina at tingnan ang mga tampok ng aming sikretong tool sa tagumpay - ang aming mga tao.

Tungkol sa Drey

Drey is all about making great online tools. These tools are there for you, small business owners, to help you with your growing businesses.

Kami ay narito para magbigay sa iyo ng seguridad, makabago at malikhaing lugar ng negosyo sa online.

Sakop ng aming mga produkto ang lahat ng aspeto na pinag-isipan mabuti at makapangyarihang presensiya sa web at ang mga eksperto namin ay nariyan para tumulong sa iyo na paunlarin ang iyong negosyo na hindi kailangang magkaroon ng kaalaman sa programming o pagdidisenyo ng web.

Madaling maunawaan at madaling gamitin ang aming mga serbisyo. Idinisenyo ang mga ito para suportahan ang pagiging natatangi ng iyong negosyo at ang mga pangangailangan ng iyong mga customer. Kaya naman nag-aalok kami ng napakahusay na ibat-ibang template ng website at custom made na solusyon para sa inyong lahat na gustong-gustong maging bukod-tangi.

Alam namin kung gaano ka hirap magsimula ng negosyo. Kaya kami ay narito para tumulong. At mayroon kaming mga tamang tool.

Mga Opisina

Maligayang pagdating sa aming tool factory

Itinatag ang Drey Corporation noong 2008 sa Zurich, Switzerland bilang isang nagsisimulang kumpanya ng IT. At sa kalaunan nagbukas ito ng sangay sa Belgrade, Serbia, bilang Drey d.o.o., kung saan ang pangunahing produkto at mga proseso ng pagpapaunlad ng negosyo ay ginagawa.

Binuo ang mga opisina namin sa Belgrade city center para pasiglahin ang mga miyembro ng aming team at udyukan sila na gumawa ng simple at makapangyarihang mga tool para sa iyong natatanging pagbuo ng tatak.

Sa opisinang ito ibinabahagi namin ang aming mga ideya, enerhiya at syempre pa, mga candy.

Pagpapahalaga namin

Kaalaman at kadalubhasaan

Totoo, na ang ilan sa aming tauhan ay alam ang bawa't nakakatawang larawan at mga gif diyan. Iyon ay dahil siniseryoso namin ang lahat ng bagay na ginagawa namin at nang may dedikasyon - lalo na sa aming negosyo. Ang aming mga empleyado ay mga nangungunang propesyonal na sumusunod sa mga pinakabagong takbo sa industriya para magbigay sa iyo ng mga napapanahong produkto at serbisyo. Na may kasamang kasiyahan.

Malikhaing isip at kasiglahan

Totoo, ang ilan sa aming mga tauhan ay naglalaro pa rin ng mga video game. Ok, ang bawa't isa sa kanila. Iyan ay dahil hindi namin hahayaang mawala ang pagiging batang malikhain sa amin. Sa katulad na paraan kami ay umaalis at sinisiyasat ang mundo na nasa paligid namin at itinuturing ang mga gawain sa negosyo - nang may bukas na pag-iisip, mapaglaro at malikhain. Pinapanatili namin ang aming kasiglahan para magbigay sa iyo ng mga serbisyong may mataas na kalidad. Nasisiyahan rin dito.

Dedikasyon at mainit na pamamaraan

Totoo, ganap kaming nakatuon sa paggawa ng mga magandang pagdiriwang ng kaarawan para sa bawa't empleyado. Iyan ay dahil sa kami ay dedikado sa paggawa ng mga serbisyo na may pinakamataas na kalidad at hindi namin iyan magagawa kung wala ang aming mga tauhan. Kami ay mga magkakasama at magkakaibigan na ang trabaho ay tulungan ang mga tao na ipakita ang kanilang sarili sa online at makipag-usap, sa web at nang personal. Kumakain ng mga masasarap na cake sa paggawa nito.

Huwag maging dayuhan, kontakin kami

Mga kuwento sa Drey

Paminsan-minsan, kailangan ng lahat ang pagbabago. Iyan ang inisip namin nang magpasiya kaming baguhin ang disenyo ng aming logo at website. Gayunpaman, kinailangan namin gumawa ng solusyon na magbibigay sa amin ng kinakailangang pagbabago nang hindi nakokompromiso ang aming tatak. Diyan pumasok ang Drey. Pinagkatiwalaan namin sila sa pagbabago ng disenyo ng aming logo at website at hindi namin ito pinagsisihan. Mahusay na trabaho!

- Simona Rohr, Kasosyo ng CERIS

Mga produkto namin

Alam naming mahusay ka sa iyong ginagawa. Nguni't bawat trabaho ay nangangailangan ng mga gamit. At alam namin na ang mga pinaka makapangyarihang gamit ay ang mga pinakasimple. Ipakita ang iyong negosyo sa online gamit ang aming mga simpleng web solution.

Ipakita sa mundo kung gaano ka kagaling.

Mga Website

Gumawa ng iyong lugar sa online para sa negosyo nang libre gamit ang aming website builder.

Alamin pa

Mga Email

Siguraduhin ang mas magandang work flow sa pamamagitan ng pagpili sa aming propesyonal na serbisyo ng Email.

Alamin pa

Mga Domain

I-register ang sarili mong pangalan ng domain at gawing madaling mapuntahan ang iyong negosyo.

Alamin pa

Kumuha ng iyong sariling tool sa tagumpay