Gusto namin ang pagkukuwento.
At ang pinakagusto naming kuwento ay ang kuwento ng iyong tagumpay.
Simulang gamitin ang ilan sa mga tool ng Drey at isulat ang iyong sariling kuwento ng tagumpay.
Gusto ng lahat ang magandang kuwento na may masayang pagtatapos. Makikita mo dito ang mga kuwento ng tagumpay na sinabi ng aming mga kliyente at kasosyo. At saka, dito puwede mong ibahagi sa amin ang iyong sariling kuwento. Sabihin sa amin ang tungkol sa iyong karanasan sa mga Drey tool at ang kuwento ng iyong matagumpay na negosyo. Pinapayagan ang lahat ng genre. Ibabahagi namin ito sa lahat ng ibang mahilig sa kuwento.
Mga Kasosyo ng Quarz
"Kailangan namin ang kumpletong pag-ayos ng aming website. Kasama dito ang muling pagdisenyo ng aming logo, website at mga business card. Namangha kami na sa maikling panahon ay nagawa na namin ang pangunahin sa website. Higit pa doon, ang kanilang development team ay gumawa at bumuo ng pasadyang admin module para sa pangangasiwa ng user at pamamahala ng file."
Jan Mormann, Miyembro ng Board
www.quarzpartners.ch
ProCourage
“May kakayahan, mabilis, maasahan! Kailangan namin ng may kakayahang kasosyo para sa bagong hitsura ng aming website. Hinigitan ng Drey ang aming mga inaasahan sa bawa't aspeto at gumanap bilang maasahan at nakikipagtulungang kasosyo. Nagawa nilang maipakita ang aming mga ideya at mga saloobin sa isang malinaw at lubos na nakakaengganyong paraan. Ang lahat ng bagay ay tumakbo ng walang aberya dahil sa kanilang pagiging malikhain at pagbibigay pansin sa mga detalye.”
Esther Wyler, President of ProCourage
www.procourage.ch
Orah
"Lahat ng bagay ay naaabot mo, iyan ang bagay na gustong-gusto ko tungkol sa Drey. Nakatipid ako ng maraming oras. Ang paglalagay ng lahat ng aking data sa iisang system ay talagang nakakatuwa. Nagawa kong i-centralize ang lahat ng aking mga umiiral na account sa iisang lugar at i-set up ang maraming bagong account. Pinapanatili nitong naka-synchronize ang aking data at tinutulungan ako nitong manatiling maayos, sa trabaho at sa bahay. Nakakapagtrabaho rin ako mula sa bahay - para ka lang nasa opisina. Ang aking negosyo ay talagang lumalago. Ipagpatuloy lamang iyan!"
Konstantin Vuk Savicevic, Kasamang Nagtatag
www.orah.com
Isabaehnli
"Ang pagpapatakbo ng restaurant ay katulad ng pagpapatakbo ng website - ito ay laging tungkol sa pang-eengganyo ng mga bagong bisita at pagbibigay sa mga datihan ng dahilan para bumalik. Ito ay ang pangunahing formula na nagdadala ng mga resulta. Salamat sa Drey at website na kanilang ginawa, nagawa naming madagdagan nang malaki ang aming kita sa loob lamang ng ilang buwan. At nasiyahan ang aming mga bisita, sa web at sa restaurant mismo."
Yucel Ersan, May-ari ng Wystube Isebahnli AG
www.isebaehnli.com
Partout
"Mula sa aking karanasan sa negosyo ng pagkonsulta, importante na magkaroon ng naka-personalize, nakatuon at kapani-paniwalang paraan sa komunikasyon. Kaya naman hiniling namin sa Drey na gawan kami ng pasadyang template ng website na magpapakita sa aming negosyo at mga pagpapahalaga namin sa isang propesyonal, nguni't masigla at malikhaing paraan din. At lumabas na pareho ang aming mga pagpapahalaga."
Simone Emmernegger, May-ari ng Partout
www.partout-hgc.ch
Swarmsurge
"Pagdating sa mga diskarte, kami ang mga eksperto. Kaya naman hiniling namin sa Drey na gawan kamin ng kumpletong package para sa aming makapangyarihang presensiya sa web – logo, website at web app para sa aming premyo sa paligsahan na nauukol na salapi. Tumuon sila sa bawa't detalye ng bawa't gawain at sila ang namahala sa pag-uugnay ng mga ito sa makabuluhan at di nagbabagong kabuuan. Kaya pagdating sa makapangyarihang pagbuo ng tatak, Drey ANG eksperto."
Arik Schweigwe, May-ari ng Swamsurge
www.swarmsurge.com
Ibahagi ang iyong kuwento sa amin